Sunday, January 17, 2021

 7 BENIPISYO SA PAGKAIN NG PIPINO.. 


 1. Ang pipino ay mayaman sa nutrients na kailangan ng ating katawan mababa naman sa calories at mataas ang bilang ng bitamina at mineral.


2. Ito ay may antioxidants, na panlaban sa sakit kagaya ng cancer, nagbibigay ng proteksyon mula sa ibat ibang uri ng sakit, nakakapagpabagal ng aspetong pisikal ng ating katawan kaya kung gusto mong  magmukhang bata pa ang ating hitsura pipino ang sagot diyan.


3. Mataas ang bilang ng  Hydration o water content kaya pinapayuhan ang lahat na panatilihing sapat ang bilang ng tubig sa ating katawan lalo na at mainit ang panahon, kapag kulang tayo sa water content ng ating katawan ang ating skin ay nagiging dry o tuyo at kulubot ang hitsura ng ating balat.


4. Mabisang pantulong sa pagpapababa ng timbang o weight loss, dahil mababa sa bilang ng calories kahit madami ang makain mo ay hindi tataas ang timbang, napapanatili nito na ang ating pakiramdam ay laging busog.


5. Mabuti para sa ating puso, nakakapagpababa ng presyon ng ating dugo, kung ikaw ay nagkukulang kagaya ko sa potassium ang katawan makabubuting laging isama sa ating diet ang pipino mayaman sa electrolytes at nakakapagpalakas ng ating mga kalamnan o muscle at daloy ng dugo.


6. Mataas ang bilang ng fiber content ng pipino na kailangan ng ating katawan para sa maayos na pagtunaw ng ating kinakain.


7. Mabisang pantulong upang makaiwas sa mabahong hininga dahil ito ay may taglay na anti bacterial properties kaya ugaliin kumain ng pipino.





No comments:

Post a Comment

 MORINGA/MALUNGGAY The wonder gulay ...